Saturday, April 27, 2013

Before the Weekend

Oh diba? Parang album title lang yung title ng post. Hahaha

So kanina, sina Mico, Dhan at Hart ay nayaya ng other BIT36 to play ball, basketball. :3 So kami, todo suporta talaga kami, except kay Aubrey. Kung hindi pa namin, nahila, hindi pa yan manunuod. Pero syempre, papayag ba kaming kami lang ang manunuod at wala sya, lalo na andun ang boyfriend nya who could really use some inspiration? Achichii. :''>

And on the way, kumain muna kami syempre. Hehe. Napagod agad kami maglakad before magsatrt yung game nila. Pga dating naman dun sa game area, hindi din naman kami nanuod. And as usual, naglandian at nagpicture-an lang kami. Una sa phone ni Alkaid, then yung kay Mico naman, at SOBRA SOBRANG dami nya, pramis. Cross my heart. Hehehe. At eto yung mga yon {syempre, filtered ko na yan HAHAHA]:

Parang ewan lang. lels
Ang cute nito. Kaso blurred. Gwiyomi version daw. :3

Tuesday, April 16, 2013

Summer Class

It was my very first summer class. Wala akong masyadong alam sa mga gagawin. Yun lang...

Chossss. So far, nageenjoy ako sa Summer Class na ito though wala talaga kaming pahinga sa pagpasok. Naawa nga ako kina mama, walang tigil ang gastos. Dapat ngayong summer vacation makakatipid na sya through sa baon ko, eh nagkasummer class. Eh wala na. Hanggang Fourth year na ako may pasok.

Monday, April 8, 2013

Spokening Peso

I don't own this blog. I just saw it in a SNS which is wala ding credits from the owner so I can't give him the credits for this. Natuwa lang ako dito.

Iritadong-iritado ako sa ganitong topic. 

Porke ba nag-iingles, matalino na? Mayaman na? Angat sa buhay? May lahing kano? Sosyal?
Call center agent? Nag-masteral ng secondary language?
Hindi ba pwedeng expression lang?
Napapansin ko kasi, na sa bawat sulyap ng tao sa facebook, may mga taong minsan eh sobra ang insecurity pagdating sa “English grammar”. Naglipana ang mga taga-puna at mga taga-hanga. ‘Yun bang minsan ka lang magbitaw ng quotation na Ingles na talaga namang pagkalalim-lalim ng kahulugan, o tipong copy + paste lang sa isang napagtripang website na sayings, napaka-big deal na para kang gumawa ng imoral.
“Huwaw! English ‘yun ah?”
“Ang lalim p’re! nalunod ako!”
“Nosebleed ‘tol!”
“Sosyal ng lola mo!”
Teka teka teka: ano ba ang dalang sumpa ng Ingles sa mga tulad nating may sariling lenggwahe?

Thursday, April 4, 2013

Sabaw Moment 101

This is nonsense. But it really freaked me out. lol

It just happened few moments ago. So I was on my way to pee. Sa hallway, sarado na yung ilaw kasi nga tulogan na sa bahay. Then pag-approach ko sa cr, di ko agad nabuksan yung ilaw tapos may walis pala which is turned upside down eh yung 'bristles' nya abot sa pinto ng cr. Nung papasok na ako, sumagi sya sa cheecks ko. Not knowing na walis pala, I thought it was a spider kasi nakakakilabot sa balat. Grabe lang. Sobra akong nag-freaked out nahagis ko out of nowhere sa loob ng cr yung glasses ko tapos napaupo pa ako sa sahig. Buti na lang hindi ako napasigaw sa takot. Tapos nilapitan ko kung ano yun kasi muka namang walang gagamba somwhere. Tapos lang minuto nagload na din finally sa utak ko na walis lang pala sya. Ang embarassing part is, nagmuka akong tanga na hinahanap yung salamin ko all over the place. Nasa tabi lang lang pala sya ng toilet bowl. Buti hindi nagshoot. Hehehe.

Yun lang yon. Ang nonsense nya diba as I said nakakahiya para sa sarili ko. Muka akong tanga. Napapadami na ata coffee na naiinom ko. At eto pa, twice ako nagulat sa punyetang walis na yon. Yung pangalawa nagulat lang ako pero di na ako nagfreaked out naman. Hehehe.

So yun lang. I could write a book. Book of shame. Hahaha. Ang dami na mga ganyang pangyayari na muka akong tanga out of something na hindi mo inaakala. So, YUN LANG. xx