Showing posts with label happenings. Show all posts
Showing posts with label happenings. Show all posts

Saturday, April 27, 2013

Before the Weekend

Oh diba? Parang album title lang yung title ng post. Hahaha

So kanina, sina Mico, Dhan at Hart ay nayaya ng other BIT36 to play ball, basketball. :3 So kami, todo suporta talaga kami, except kay Aubrey. Kung hindi pa namin, nahila, hindi pa yan manunuod. Pero syempre, papayag ba kaming kami lang ang manunuod at wala sya, lalo na andun ang boyfriend nya who could really use some inspiration? Achichii. :''>

And on the way, kumain muna kami syempre. Hehe. Napagod agad kami maglakad before magsatrt yung game nila. Pga dating naman dun sa game area, hindi din naman kami nanuod. And as usual, naglandian at nagpicture-an lang kami. Una sa phone ni Alkaid, then yung kay Mico naman, at SOBRA SOBRANG dami nya, pramis. Cross my heart. Hehehe. At eto yung mga yon {syempre, filtered ko na yan HAHAHA]:

Parang ewan lang. lels
Ang cute nito. Kaso blurred. Gwiyomi version daw. :3

Tuesday, April 16, 2013

Summer Class

It was my very first summer class. Wala akong masyadong alam sa mga gagawin. Yun lang...

Chossss. So far, nageenjoy ako sa Summer Class na ito though wala talaga kaming pahinga sa pagpasok. Naawa nga ako kina mama, walang tigil ang gastos. Dapat ngayong summer vacation makakatipid na sya through sa baon ko, eh nagkasummer class. Eh wala na. Hanggang Fourth year na ako may pasok.

Thursday, April 4, 2013

Sabaw Moment 101

This is nonsense. But it really freaked me out. lol

It just happened few moments ago. So I was on my way to pee. Sa hallway, sarado na yung ilaw kasi nga tulogan na sa bahay. Then pag-approach ko sa cr, di ko agad nabuksan yung ilaw tapos may walis pala which is turned upside down eh yung 'bristles' nya abot sa pinto ng cr. Nung papasok na ako, sumagi sya sa cheecks ko. Not knowing na walis pala, I thought it was a spider kasi nakakakilabot sa balat. Grabe lang. Sobra akong nag-freaked out nahagis ko out of nowhere sa loob ng cr yung glasses ko tapos napaupo pa ako sa sahig. Buti na lang hindi ako napasigaw sa takot. Tapos nilapitan ko kung ano yun kasi muka namang walang gagamba somwhere. Tapos lang minuto nagload na din finally sa utak ko na walis lang pala sya. Ang embarassing part is, nagmuka akong tanga na hinahanap yung salamin ko all over the place. Nasa tabi lang lang pala sya ng toilet bowl. Buti hindi nagshoot. Hehehe.

Yun lang yon. Ang nonsense nya diba as I said nakakahiya para sa sarili ko. Muka akong tanga. Napapadami na ata coffee na naiinom ko. At eto pa, twice ako nagulat sa punyetang walis na yon. Yung pangalawa nagulat lang ako pero di na ako nagfreaked out naman. Hehehe.

So yun lang. I could write a book. Book of shame. Hahaha. Ang dami na mga ganyang pangyayari na muka akong tanga out of something na hindi mo inaakala. So, YUN LANG. xx

Tuesday, March 26, 2013

Mindoro Trip

And after 3 weeks na malabong communication, ayun at balik kami sa dati. :) Thanks to Nhica for being a "bridge" between us. Hehehe.

So nagpunta kami ng Puerto Galera ni Kiko with his family, his friend Francis and also with my friends Nhica and Alkaid. I love the place so much. Ang ganda, ganda ng view, and especially solo namin! Hahaha.


Nhica, me and Miki at Batangas Port waiting for Kaid
OMG, my Orange hair :3
The night before, kina Nhica ako natulog so sabay kami papunta Batangas Pier. Nashort pa nga ako ng pamsahe kasi 130php from Target Mall to Batngas Port eh 50php nalang pera ko *long story kung bakit 50php nalang haha*. Mga 7:45am ata kami nakarating ng Pier. Pagdating namin andun na din sina Kiko. Si Alkaid late! Mga 9:25 ata sya nakarating pero yung usapan 9:00am. Mga 10am umalis na kami sa pier sakay ng isang mahaba na boat. Kami ata yung last passengers kaya hiwahiwalay kami ng upuan. On the way, naglaro lang ako 4 Pic 1 word sa phone ni Kiko. Mga 11 yata kami nakarating dun sa resort.

Thursday, March 7, 2013

Hello Blogging, Again


One big HELLO! Once again I'm back after 2 months of being inactive. IRDK kung bakit nga ba, busy ba? Tinatamad lang? Both are some the reasons but the main is reason is my effing internet connection. Last January, feel ko magblog pero ayaw magload ng page so I was like, "Maybe next time" hanggang sa ayun na nga, naklimutan ko na yung mga ibblog ko sana.

For the past 2 months ang daming happenings na gusto ko sana ma-share kaso I didn't had the chance to do so. Ano-ano nga ba nangyare sa mahigit dalawang buwan na yon? Madami naman pero yung notable lang sakin, iilan lang naman. Titignan ko yung planner ko. Hehehe. Yung planner ko kasi, parang hindi sya planner actually, para syang naging diary ko. I jot down lahat ng nangyare for a day. Minsan kahit yung nagastos ko sa isang araw, sinusulat ko. :D

Sunday, December 16, 2012

Mock Examination

So isa ako sa mga mapalad na nabigyan ng pagkakataon na mag-mock exam for certification sa DB2. At first natuwa ako, kasi nung unang beses pa lang na sinabi ang tungkol dun sa amin, yun na talaga ine-aim ko na sana makapasa at makakuha ng certificate kasi nga naman ang lakas ng hatak din nun, asset kumbaga. And then nalaman ko nga na kasali ako, on the other hand, nakakalungkot kasi kami lang ni Hart ang mapalad na  nabigyan ng pagkakataon. Eh ang gusto ko sana, kung hindi kaming lahat, kaming tatlo nina Aubrey at Mico. Kasi nung sinabi yung tungkol sa certification exam, kami yung talagang tuwang tuwa at parang "Goal Oriented" kaso hindi eh. How I wish kasali talag sila so may karamay din ako. :))

Wednesday, November 14, 2012

Third Year, Second Semester


So last Noverber 12, new semester starts. A bum schedule awaits me and will annoy me every week this semester.

First subject is an Elective Class. We're totally clueless what will this subject be or whatsoever, and to make the scenario worst, our class is at 7 in the morn in this so-called "TS Room" which had never encountered in DLSU-D for the rest our 3 years residence in that school. So first day, first meeting, we don't know where our class will be held. The good thing is, I had the oppurtunity to ask my VB.net prof, which is Sir Sabale, the night before, asking where is that 'TS Room'. Unfortunately, hindi nya alam kung saan yun but he has a little idea about it. Sabi nya Troubleshooting daw yung Elective namin so most probably, TroubleShooting Room yung TS Room. But, where the hell is TS Room? Sa ICTC Building DAW yata. Doon nga, buti nalang magaling manghula si Sir. :D

Friday, November 2, 2012

November 1st


November 1. Another lazy day. Not so special for me. Lalo na't ang sama ng pakiramdam ko. Paggising na pagising ko inatake na agad ako ng malaimpakto kong sipon.

12pm na ako nagising. Napuyat yata ako sa pagpipicture ng buwan noong gabi. Ang ganda kasi eh, nakisali pa ang magandang arrangement ng ulap. Paggising ko, pawis na pawis ako kasi nga tanghali na, at sipunin na sipunin. Dahil sa leche kong sipon kaya buong araw ay tamad na tamad ako. Pagbangon ko, nanuod muna agad ako ng TV kaya 1pm na ako nakapagbrunch.

Tine-text na ako ng pinsan ko, sabay daw kaming pumunta ng panchong (sementeryo kung hindi nyo alam). Eh kasi nga mabigat ang katawan ko't sipunin pa, natulog muna ulit ako pagkatapos kong kumain at maligo. Nagising na ako ng alas tres, at ayun dali daling pumunta sa bahay ng pinsan ko, sa tapat ng bahay namin. Pero humingi muna ako ng pera kay mama kasi ang habol ko talaga eh yung mga kainan dun.

Sunday, September 30, 2012

Bye Dad


So the day before my dad's departure, fiesta sa barangay namin. Pagkauwi ko, nagiinom sina Daddy with his brothers and friends, kala ko simpleng inuman lang kasi nga fiesta. Parang despedida pala yata. So ako, nakiinom din naman ako, pero sa kasama ko naman mga tropa ko. 4am na ako nakauwi nun. Tapos ng mga 9am na, ginising ako ni mama asking kung sasama daw ba ako sa paghatid kay Daddy. I was shocked. Hindi ko man lang alam na ngayon mismong araw na yun sya aalis. Masakit pa ulo nun pero agad nawala ang antok kasi nga nabigla ako.

Pagbangon ko, I saw dad packing his things. Tumitingin lang ako, walang kibo. Umupo ako saglit sa sofa kasi nga masakit pa ulo ko, may hangover pa siguro. Then pasinghal akong nilapitan ni mama, sabi nya "Aba! Sasama ka ba? Paalis na. Magbibihis nalang kami ng daddy mo! Kung ayaw eh hindi naman inipilit. Aalis na ng 10." Ayun kaya dali dali ako naligo. Nagprepare na din yung dalawa kong pamangkin.

Sunday, August 19, 2012

JFBC Youth Fair

So I was invited by my highschool friend sa isang event ng Church nila which is the JFBC or Jesus Faith Builder Church. Dahil syempre hindi naman ko pala-sama sa mga ganoong bagay, nagdalawang isip ako kung pupunta ba ako o hindi. When I received her invite via SMS, nagulat ako. Parang may sama ng loob ang laman. Sbi nya: "Punta kayo sa Sunday sa Church namin, may event. Magtatampo talaga ako pag hindi kayo pumunta. Pag magiinom at hindi ako nakakapunta, grabe kayo makapagtampo tapos pag ako magyaya, kahit time for Jesus naman to, di nyo ko mapagbigyan. Blah blah blah...". Napaisip naman ako. "Oo nga". Ilang beses na din nya pala ako niyaya before. Gusto ko naman, hindi lang talaga fit sa schedule ko noon. So ayun, nagreply ako. "Oo pupunta ako.". "Message Sent". Ayun nagreply na sya, okay daw. Lagot! La nang atrasan to.

Friday, July 13, 2012

Hell Week

CRAMMING. Yes, cramming talaga kami ngayong week. Partida na, Prelims pa lang, hindi pa exams. Next week, exam week pa. Jusko. Ang dami daming school works, samahan pa ng mga sunod sunod na activities at quizzes. Hindi na kami magka-ugaga kung alin ba ang uunahin. Grabehan talaga. Yung projects ng mga major subjects namin sasabayan pa ng exams at long quizzes ng mga lintik na minor exams.

Maghahanap pa kami ng company para sa aming "mini thesis", syempre kailangan pa ng letter na papapirmahan sa Prof at Chair ng Department namin. Okay na sana, may pirma ng Prof namin, yung sa Chair nalang. Akala namin madali compare sa last time na nagpapirma kami na sinundan namin ang Chair sa buong campus tapos ang ending walang nangyari at nagkakasalisihan lamang, pero nagkamali kami. Yung letter naman yung may problema. Mali daw yung alignment ng mga names. Nakakainis lang. Sa isip isip namin, mahahalata pa ba yun ng babasa? HAHAHA.

Hanggang ngayon, umaasa pa din kami na makakaraos din kami sa mala-impyernong linggong ito nang maganda ang resulta. :] Sa tingin nyo siguro puro reklamo nalang ako, pero hindi naman. Talaga lang sigurong overwhelmed lang ako sa pagtapak ko sa aking pangatlong taon sa kolehiyo. Haha. Parang hindi na ako sanay ulit sa ganitong siste. Haha. Masasabi ko din "busy" ako kaya hindi ako maka-blog ng maigi ngayon. Medyo matumal sa blog ko. Hehe.

At dahil may gagawin pa din ako, YUN LANG muna. xx

Sunday, June 17, 2012

HumanLaSallianStar

Kahit hindi nakilahok dito, masasabi kong proud ako sa "achievement" na ito. Hehehe. Nung una talaga ayaw ko um-attend talaga kasi parang uulan, kung hindi man sobrang init, siksikan pa, may bayad pa at madaming pang dahilan na naisip ko. But nung nagsstart na sila, nagsisimula na akong mainggit. Pero nung nalamn kong masyado nang marami, okay na din sakin, yung iba kasi hindi na sa star kasama, naging frame nalang sila ng star kasi nga sobrang dami nila. Hahaha. Kung hindi mo alam ang Human LaSallian Star, eto picture oh:

Friday, June 15, 2012

Third Year

First Day. So since isa lang naman subject namin, we decided tumambay sa favorite place namin, ang Bahay ni Mico. Kasama ko sina Kimmy, Aubrey, Alkaid, Dhan at Hart, though sa mga pictures, mostly kaming apat lang nina Aubrey, Kimmy at Alkaid. Hehehe. :D At dahil hindi pwede i-upload sa Facebook, dito na lang. :]

Kimmy - Aubrey - Khid

Tuesday, June 12, 2012

Kissing Game

Today, nagyaya ang tropa kong si Eric maginom, ako taya. :/ Sinusumbat nya sakin yung hindi ko pagpunta nung birthday ni Mickey. Since guilty naman ako, hindi na ako nakatanggi. Bale pinaka-celebration na din namin before ang pasukan. Trip lang nila mag-inom. Heart broken din kasi si Eric kaya ang lakas ng loob magyaya maginom. Kaka-break lang nila ni Chacha. Eh di ayun, inom kami. Ako, sa sobrang daldal ko, hindi ko napansin kung anong niinom namin. Hindi naman siguro hard kasi walang chaser at hindi rin sya mabaho kaya hindi na ako naginarte. Then nung lumalalim na yung usapan, bigla kaming napunta sa "mature" na usapan. What if gayahin daw namin yung sa PBB Unlimited na laro. Yung kissing game daw, pero walang malisya para malaman lang daw kung sino yung walang arte. Nung una, ayaw pa syempre pero natuloy din. Since apat lang naman kami, two boys and two girls, parang okay na lang din.

Ganito yung mechanics:

Monday, June 11, 2012

Tagaytay Walkathon

Like I said on my earlier blog, I'll post an entry about our Tagaytay Trip last May 25. But since tinatamad ako magtype ng magtype this past few days/weeks, eto na lang, read my friend's entry na lang. Since kasama ko naman sya that day, yan na lang. Hehehe. Sorry. I'll try to post more photos regarding that day na lang. So, YUN LANG. xx

Wednesday, June 6, 2012

The Sweet Escape

To make this story short, naglumandi lang ako. HAHAHA. kidding

Nagkita ulit kami ng mahal ko. :D Natuwa na nahiya naman ako kasi halos lahat sa kanya nagbago since nung last pagkikita namin. Parang prepared sya for this samantala ako, hindi. Mukha akong tanga. Hahaha. Muntik pa nga magkaroon ng problema kasi yung date ng pagkikita namin is birthday ng tropa ko. Buti na lang medyo malakas ako sa kanya at okay na din. Babawi na lang ako sa kanya, pero I know nakakasama ng loob yun. :/

SM Bacoor meeting place. Himala maaga ako. Sya yung late. Okay lang sa akin, at least ako maaga. lol. Dahil hindi ako magaling sa hintayan, nag-Tom's World muna ako saglit at kumain din. Wrong move. Hindi pa rin pala sya nagbreakfast. Hindi ko alam. Ewan ko, dahil yata dun kaya the whole day sumakit ang tyan ko. :D Pagdating na pagdating nya, I'm surprised because of three thing: Mata nya, Buhok nya, at yung

Wednesday, May 30, 2012

Happy Birthday Baby

So ... Hihihihi. Hindi ko makwento, masyado pa akong kinikilig. Nakakainis. Well, siguro i-kkwento ko nalang kapag hindi na kaya ko na. Gusto ko muna solo-hin ang kilig na nararamdaman ko, ayaw ko pa i-share. lol. Basta most of the time we spent, nasa Qubo Qabana Resort - Dasmarinas lang kami at sa SM Dasmarinas at Robinson's Pala Pala at kung saang restaurant pang kinainan namin. HAHAHA. Basta, hindi ko pa kaya i-detalye lahat ng nangyari pero, SOBRA SOBRA ang saya ko. Promise. No regrets. Hindi ko na din inisip na mapapagalitan ako ni Mama paguwi. Masaya ako. Tapos. Though parang bothered ako kasi parang ang laki na ng nagagastos nya tapos ayaw nya ako pagastosin. I know hindi ko pera yun pero, ewan ko talaga. Yun lang ang dahilan kung bakit ako navba-bother nun. Pero

Sunday, May 27, 2012

Enrollment

So, last Friday, May 25, 2010, nag-enroll na ako. Bale, nakakainit ng ulo kasi ang arte ng school ko. Kasi, for the past 2 years na nagaaral ako dun, ang pinaka-down payment  na kahit 20% lang ng tuition ay pwede na, tapos ngayon nagbago na daw sila ng policy na 40% na dapat ng tuition ang kailangan upon enrollment. Okay lang naman sana, kaso 20% lang yung dala ko kaya kailangan ko pa bumalik kinabukasan for the other 20%. Gastos sa pamasahe at sayang sa oras tsaka sobrang init kaya naman nakakainis. Okay na naman ngayon. Enrolled na ako. At eto yung schedule ko weekly this semester:

Friday, May 18, 2012

Coming Over II


Below are the images taken last May 15, 2012
Sorry if the pictures were pretty messed up. I don't know how to organize photoset here on blogger. :]


On our way

kid-kim-dankaid-aub-kim-kid
Pictures taken when we're on our way to my house, riding a PUB.


Thursday, May 17, 2012

Coming Over

So yesterday, May 15 *May 16 ko kasi simimulan to kaya kahapon talaga xD*, I invited some of my blockmates to come over into our house 'cause we'll be having a little celebration of our barrio's fiesta. Hindi naman ito magarbong handaan, sakto lang para sa mga imbitadong bisita. Masayang masaya na ako kahit wala pa kaming ginagawa knowing that they'll be coming. I know din kasi na it's way to far their homes and magastos sa transportation. I really appreciate their presence pa lang. Kasi the night before, nag-text yung isa sakanila na parang "leader" nung lakad na she don't know if she'll be coming or not. Natakot ako na wala nang pumunta. Sa akin ayos lang, nahihiya lang ako kay mama. Hihi. Natuloy naman at sumama yung inaasahan kong sasama at umoo na sa akin that they'll be there daw. Na-disappoint lang talaga ako sa isang hindi. Okay lang naman sa akin, hindi ako galit kasi I understand naman at first kasi nga she's way too far at magastos nga naman. When I'm on my way on our meeting place, she said "yes, I'll be there. :]" and I'll be