Monday, July 23, 2012

Status Quo 101

Ano nga bang meron? Bakit ganun? Simula nung marinig ko yun sa kanya, natutula at napapisip ako. Naninibago ako sa sarili ko. Hindi ko alam gagawin. Ang gulo gulo. Magbabago ba ako dahil dun o hahayaan ko nalang na ganun? Hindi naman talaga offensive yun, pero ang tindi ng tama sakin. Ang masakit pa, narealize ko pang tama sya. Ang panget nga. Nahihiya na ako. Nandidiri na ako sa sarili. Bahala nalang sa susunod. Kung ano ano na pumapasok sa isip ko. Nababaliw na yata ako. Bahala na. Bahala na lang talaga. 

---

Friday, July 13, 2012

Hell Week

CRAMMING. Yes, cramming talaga kami ngayong week. Partida na, Prelims pa lang, hindi pa exams. Next week, exam week pa. Jusko. Ang dami daming school works, samahan pa ng mga sunod sunod na activities at quizzes. Hindi na kami magka-ugaga kung alin ba ang uunahin. Grabehan talaga. Yung projects ng mga major subjects namin sasabayan pa ng exams at long quizzes ng mga lintik na minor exams.

Maghahanap pa kami ng company para sa aming "mini thesis", syempre kailangan pa ng letter na papapirmahan sa Prof at Chair ng Department namin. Okay na sana, may pirma ng Prof namin, yung sa Chair nalang. Akala namin madali compare sa last time na nagpapirma kami na sinundan namin ang Chair sa buong campus tapos ang ending walang nangyari at nagkakasalisihan lamang, pero nagkamali kami. Yung letter naman yung may problema. Mali daw yung alignment ng mga names. Nakakainis lang. Sa isip isip namin, mahahalata pa ba yun ng babasa? HAHAHA.

Hanggang ngayon, umaasa pa din kami na makakaraos din kami sa mala-impyernong linggong ito nang maganda ang resulta. :] Sa tingin nyo siguro puro reklamo nalang ako, pero hindi naman. Talaga lang sigurong overwhelmed lang ako sa pagtapak ko sa aking pangatlong taon sa kolehiyo. Haha. Parang hindi na ako sanay ulit sa ganitong siste. Haha. Masasabi ko din "busy" ako kaya hindi ako maka-blog ng maigi ngayon. Medyo matumal sa blog ko. Hehe.

At dahil may gagawin pa din ako, YUN LANG muna. xx