Showing posts with label thoughts. Show all posts
Showing posts with label thoughts. Show all posts

Monday, June 17, 2013

Relationship

SIMPLE LANG ANG GUSTO KONG RELATIONSHIP.

  • Yung may oras kapag kinailangan ang isa’t isa.
  • Yung iingatan ko siya at iingatan niya rin ako.
  • Hindi man laging magkasama pero hindi makakalimutan yung pinagkakatiwalaan ko siya at pinag kakatiwalaan niya rin ako.
  • malayo man ang lugar namin sa isa’t isa hindi magiging dahilan para magkalimutan na.
  • Yung mas importante sa inyo yung pagiging masaya.
  • magkahawak ang aming kamay at sabay kaming haharap sa panginoon.
  • syempre yung taong MAMAHALIN KO AT MAMAHALIN AKO. ♥

Friday, March 29, 2013

To the 10th Power

Its been 10 months. Ang bilis naman ata. Ganun siguro talaga. Time flies when you're inlove. I just wanna thank you for being there for me. Sa lungkot at saya. Sa problema at ligaya. Maaring may mga panahon na nanlalamig ka sakin, yung tipong naghahanap ka ng ibang magfufulfill ng gusto mo na hindi mabigay sayo, yung tipong nagpprepare ka na for our breakup *EHEM*, pero wala e, bumabalik pa rin tayo sa isa't isa. Ganun siguro talaga pag mahal mo yung isang tao. Na kahit ano ngyari. Kayo pa rin.

Monday, March 18, 2013

T.G.I. Pride Day

So it's been a week or two and we still haven't't talked. Okay let's say nagkatext naman kami ng konte pero it's not what you can say "conversing" talaga. I texted him first, sabi ko: "Good morning! :)" and parang may regret na din kasi wala naman nangyari. lol. Nagreply naman sya kaso wala din. BASTA yun na yun. HAHAHA. That friday nung araw na yon nagplan kami magkita para kunin ko na daw yung Hard Drive ko which is obviously nasa kanya.

Monday, March 11, 2013

Nazis


Ito yung kadalasan kong iniiwasan sa lahat. I don't know why but I am somewhat irritated by them. Honestly, I consider myslef as one, BEFORE. Yung tipong kahit spelling or simple typo errors ay pansin msyado. But months passed, nawala naman na din. Ewan ko ba. Siguro may guilt na din because I always came out to be an "asshole". Perfectionist kumbaga and first of all hindi naman ako ganun at lalong hindi naman perfect.

Sunday, December 30, 2012

Status Quo 102


Sa isang relasyon, alam kong normal lang ang mga alitan, mga awayan, tampuhan mula sa isang napakaliit at walang kwentang bagay. Tanggap ko. Ngunit ngayon, may nararamdaman akong iba. Hindi ko alam kung ano ito pero alam ko iba to. oo, iba na nga. Hindi na lang basta alitan o maliit na away. Ewan ko. Ano bang dapat kong gawin. Sa pagkakaalam ko, wala naman akong ginagawang sobrang sama para humantong sa ganito ang lahat. Oo. Hindi ako ganun kagaling at masasabi kong wala akong alam sa pakikipagrelasyon. Nung una, ramdam ko may panguunawa pa sya. Ngayon, iba na. WALA NANG GANA. Pagkain ba ako na kelangan ka pang ganahan? Ano bang kulang? Pero sa totoo lang, nakakasawa din. Hindi naman yung tao yung nakakasawa, yung mga nangyayari.

Almost a week nang walang malinaw na communication. Siguro nagsasawa na din kausap ako. Makulit eh. Ayy oo nga pala. Wala na nga palang gana sa akin. Ano dapat ko bang gawin? Oo na. Aaminin ko na. Alam ko marami din naman akong pagkukulang eh. Tanggap ko yun. Pero naman sana din sinasabi sakin no. Para saan pa at naging kami kung kaylangan ko pang makiramdam kung nanjan naman sya na maaring magsabi? May pagkamanhid ako, hindi ko ramdam lahat ng bagay na pinaparating. Parang tingin ko naman masaya na sya kahit ganito kami. Hayaan ko nalang ba? Masaya sya eh. Gusto ko lang din naman eh kung san sya masaya. Sige na. BAHALA NA ulit. Maayos pa kaya? Sana. Ayy hindi pala. I'm sure maayos to. Sana. :/


Pwee. Ang drama ko, hindi bagay sa image ko. lol. jk. So, YUN LANG. xx

Friday, December 28, 2012

Effing Internet Connection

So, these past few weeks, ang dami kong naiisip. Mga plano, problema, pati na rin mga maaring i-blog. As in kumpleto na yung nasa isip ko bago ko pa man mai-type. Ang problema lang ay yung Internet Connection naming p@#!$%@^(*&^$%$!!! bagal. As in sobrang bagal nya. Pag maglo-load ng page ng Facebook, nalo-load nga, wala naman yung CSS nya. Para saan pa't nagload sya diba? Nakakataas at nakaakpan-init ng dugo. Ano nai-blog ko sa mga naisip kong iyon? Tungaw. Ang saya diba?

may "Christmas Special" blog pa sana ako about Christmas dito sa amin. Nung maayos ayos na yung connection, tungaw na lahat ng mga kailangan kong sabihin. Pati yung Christmas Party naming Banana Group. Pati yung StarCity trip namin ng aking cyber friends. Wala. :( Oh well, babawi nalang ako pag nakaalis na ako sa remote naming lugar. Not actually alis, pag may place na ako somewhere else na maganda ganda ang connection. :) Pero as of now, sobrang nakakaBV sya.


Pati Flickr ko, hindi na naa-update. Nung October pa ako naga-attempt magupload. Wala eh. Bahala na. Juskoday.

YUN LANG!! Di ako galit! :D xx

Sunday, December 16, 2012

Mock Examination

So isa ako sa mga mapalad na nabigyan ng pagkakataon na mag-mock exam for certification sa DB2. At first natuwa ako, kasi nung unang beses pa lang na sinabi ang tungkol dun sa amin, yun na talaga ine-aim ko na sana makapasa at makakuha ng certificate kasi nga naman ang lakas ng hatak din nun, asset kumbaga. And then nalaman ko nga na kasali ako, on the other hand, nakakalungkot kasi kami lang ni Hart ang mapalad na  nabigyan ng pagkakataon. Eh ang gusto ko sana, kung hindi kaming lahat, kaming tatlo nina Aubrey at Mico. Kasi nung sinabi yung tungkol sa certification exam, kami yung talagang tuwang tuwa at parang "Goal Oriented" kaso hindi eh. How I wish kasali talag sila so may karamay din ako. :))

Friday, October 19, 2012

Group Projects

So the week before our final exams, ang daming projects. Website dito. Website doon. System dito. System doon. Gawa gawa. Edi syempre by group. Nagi-guilty lang ako kasi alam ko sa sarili ko na wala akong masyadong naitulong. Yung mga pinagawa sakin madadali lang, yung tipong kayang kaya nila pero pinagawa na lang nila siguro sakin para masabing meron din akong nagawa. Ang sakit lang sa ego. I mean, gusto kong tumulong talaga, I just don't know kung ano. Nakakalungkot lang sa side ko, di man lang masabi sa sarili ko na nagawa namin. :(

Basta, I promise myself magiging productive na ako next semester. Tutulong na talaga ako. I don't wanna be a "parasite" anymore. Ayoko na talaga kasi ako nagagalit ako pag may ganon na kagrupo. Kaya naiinis ako sa sarili ko. Next sem talaga, I promise. :''>

Yung lang ulit ang drama ko. BYE. :''>

Wednesday, August 29, 2012

Physics

Physics! *bow*

Ang Physics na, so far, ang pinakaiinisan kong/naming subject today. Or should I say yung prof pala yung nakakainis?

Hindi naman ako mahina talaga sa Physics. Actually, favorite ko sya nung 4th Year High School ako. Ewan ko lang kung bakit ngayon hate na hate ko ang Physics.

Monday, July 23, 2012

Status Quo 101

Ano nga bang meron? Bakit ganun? Simula nung marinig ko yun sa kanya, natutula at napapisip ako. Naninibago ako sa sarili ko. Hindi ko alam gagawin. Ang gulo gulo. Magbabago ba ako dahil dun o hahayaan ko nalang na ganun? Hindi naman talaga offensive yun, pero ang tindi ng tama sakin. Ang masakit pa, narealize ko pang tama sya. Ang panget nga. Nahihiya na ako. Nandidiri na ako sa sarili. Bahala nalang sa susunod. Kung ano ano na pumapasok sa isip ko. Nababaliw na yata ako. Bahala na. Bahala na lang talaga. 

---

Friday, July 13, 2012

Hell Week

CRAMMING. Yes, cramming talaga kami ngayong week. Partida na, Prelims pa lang, hindi pa exams. Next week, exam week pa. Jusko. Ang dami daming school works, samahan pa ng mga sunod sunod na activities at quizzes. Hindi na kami magka-ugaga kung alin ba ang uunahin. Grabehan talaga. Yung projects ng mga major subjects namin sasabayan pa ng exams at long quizzes ng mga lintik na minor exams.

Maghahanap pa kami ng company para sa aming "mini thesis", syempre kailangan pa ng letter na papapirmahan sa Prof at Chair ng Department namin. Okay na sana, may pirma ng Prof namin, yung sa Chair nalang. Akala namin madali compare sa last time na nagpapirma kami na sinundan namin ang Chair sa buong campus tapos ang ending walang nangyari at nagkakasalisihan lamang, pero nagkamali kami. Yung letter naman yung may problema. Mali daw yung alignment ng mga names. Nakakainis lang. Sa isip isip namin, mahahalata pa ba yun ng babasa? HAHAHA.

Hanggang ngayon, umaasa pa din kami na makakaraos din kami sa mala-impyernong linggong ito nang maganda ang resulta. :] Sa tingin nyo siguro puro reklamo nalang ako, pero hindi naman. Talaga lang sigurong overwhelmed lang ako sa pagtapak ko sa aking pangatlong taon sa kolehiyo. Haha. Parang hindi na ako sanay ulit sa ganitong siste. Haha. Masasabi ko din "busy" ako kaya hindi ako maka-blog ng maigi ngayon. Medyo matumal sa blog ko. Hehe.

At dahil may gagawin pa din ako, YUN LANG muna. xx

Saturday, June 2, 2012

Hello June

Heto na. June na. Tapos na ang May [you don't say?]. Malapit na ang pasukan. Masaya at nalulungkot ako at the same time, pero hindi ako na-e-excite. Ewan ko ba. Masaya ako kasi hindi na ako mabubulok sa bahay, may baon na ulit at makakasama ko na naman ang mga adik kong kaklase. Namiss ko mga kaklase ko kaya masaya ako na makakasama ko na naman sila ulit. Malungkot kasi ... ewan ko kung bakit. Basta hindi ko feel na I'm not completely happy. Parang may second thought, parang ganun. Hahaha. Siguro naiisip ko lang na magiging busy na ako [?] or mag-cramming na naman kami at I'm sure nakakabaliw yun. Last semester kasi,

Thursday, May 24, 2012

Cry Baby


Noong bata ako, pangarap kong mag-artista. HAHA. I think halos lahat naman ng bata ganun yung pangarap. Pinanghawakan ko yung pangarap na yun until mag third year college ako. Na-realize ko din kasi na hindi bagay sakin. Aside na napapangitan ako sa sarili ko, hindi NA ako marunong umiyak. Oo, mahirap na ngayon sa akin ang umiyak. Pero dati, nung elementary ako hanggang maghigh school, sobrang iyakin ko talaga. Hindi ko na alam kung anong nangyari kung bakit hindi na. Masasabi ko na hindi na nga ako marunong umiyak nung graduation namin ng high school. Nagulat din sila, bakit hindi daw ako naiyak eh iyakin daw ako. HAHAHA. I wonder din kung bakit. Siguro natigang na ako sa past relationships ko. CHOT! Nung namatay din yung high school classmate kong si Sarah *I miss you Sarah :'(*, I saw her lying on her coffin na, pero hindi talaga ako maiyak. Nalulungkot naman talaga ako kasi close kami kahit madalas kong inaaway yun. Dun na ako nainis sa sarili ko. Tigang ba ako? Pinipilit ko talagang umiyak nun, ayaw talaga. Inisip ko na lang, hindi bagay sakin umiyak. :]

Wednesday, May 23, 2012

Highschool Bullshits

So kaninang hapon, napansin kong almost puno na yung memory ng laptop ko, so, I tried to find something in my disk na pwedeng mabura and then I ended up finding an old folder of my most horrific photos of my life, my photos during my high school days. I was like, Dafuq? Grabe lang talaga. HAHAHA. Gusto ko sana i-post para maka-relate kayo according sa reactions ko pero masyadong embarrassing for me para i-post pa. Basta ang panget ko lang dun. Period. Oh yeah, panget ako now, edi mas lalo na nung high school. lol.

Sunday, May 20, 2012

Secrets

Meron akong pinaghahawakang sikreto ng mahabang panahaon na. I think elementary pa yata ako nun, at hanggang ngayon sekreto pa rin yun, sa nakakarami. Gusto ko man ibunyag yun dito, hindi maari. Masyadong pribado at nakakahiya na rin para sa akin. Nung highschool ako, pilit kong tinago yun sa mga kaklase ko, wala din naman kasing senyales akong ipinapakita. Ang hirap sa loob na dun sa malalapit mong kaibigan, hindi mo maikwento kahit gustong gusto mo. Yung tipong gusto mong iiyak yung problema mo sa kanila. Hindi ko rin masasabing plastik ako sa kanila kasi bukod sa sekreto kong iyon, naging totoo naman ako sakanila at alam ko ganun din sila sa akin. Ang iniisip ko na lang, lahat naman ng tao may tinatagong sekreto, hindi pwedeng hindi.

Saturday, May 19, 2012

Overrated

So I have enough of this "Jessica Sanchez" thing for about everyday on the news, not just on the news but in almost every social networking sites I'm in to. I will clear out to all of you, I am absolutely NOT a hater of Jessica Sanchez. I'm no basher of her either. It's just like it so irritating as day comes. Whenever I watch news, the news was ALL about her, how great she is, how Filipinos voted her, how her Filipino relatives were so proud of her, and etc.. Another things is, the Filipinos were convincingly addicted to her because she is an Asian, she was a Filipina. Oh come on. On her interviews, she never had claimed that she was a Filipino. She just said that she was a Mexican and that's it. The thing is
, why would so many Filipinos totally admire her just because she is a FIlipino? What would the big deal if she actually won? More people keep saying that "she'll bring the pride of the Philippines". I just can't ... By the way, I love her voice. I admire her talent. I admire her because she is Jessica Sanchez and not because she is a

Sunday, May 13, 2012

Skype

Madalas na akong irritated whenever naka-online ako sa Skype. Don't think that I'm bragging ah, but they're always requesting na mag-cam ako whenever mag-reply man ako sa IMs nila. Sa una, syempre medyo natutuwa ako kasi puro compliments like "ang cute mo", "ang bata mo tignan", "hindi ka mukhang 17", and etc.. But then, parang umo-OA naman. Almost everyday, mag-PM ng "hi", tapos hindi pa man kayo tapos mag-usap, alam mo nang walang pupuntahan ang usapan. Gibberish talk kum baga. Tapos pag dating sa dulo, "I wanna see you", eh madalas ayaw ko, kaya hindi nalang ako nagre-reply. Busy kunwari. Tapos yung iba, mukang tanga pa, "In-Love" na daw. Punyemas, kung ako nga, hindi ko pa sila ma-consider na real friend talaga kasi cyber lang, in-love pa kaya? Hindi ko rin maintindihan sa mga ganung tao. Ang dali para sakanila sabihin na in-love na sila sa isang tao. Isang gabi na chat pa lang, in love na agad? Agad-agad? PBB Teen Edition 4 lang? Hahaha. Buti na lang, kahit gullible ako, hindi ako tanga para

Thursday, May 10, 2012

The Introduction.

Hello there. I'm Khid, formally as Reimark Valiente Mojica. I'm from Indang, Cavite. I'm a third year IT student of De La Salle University - Dasmarinas. I'm 18 years old. Actually, today is my birthday. :)

So I'm like a blogger-wanna-be guy. I like telling stories to someone but I feel so awkward to do so, so, I just created a blog so I can express it like it was my "cyber" diary. Although, and I'm sure only few would care about this blog, or possibly no one ever would, but at least I have a blog like this just spell out all of my thoughts, feelings or whatever here without worrying that someone would actually complaining. It's my blog. HATERS GONNA HATE. lol

So I was saying, I like telling stories, especially about the happenings in my unusual life. So, yeah. It's awkward, I don't know how to end this post. So, stay in touch. Touche. Toodles. Bye. :] xx