Almost every week, tuwing Sabado, ang saya saya namin. Ang daming hangouts, gala, KAINAN, malling at road-trips. Ngayong sabado, nagpunta naman kami sa birthday celebration ng isa namin classmate na si Amanda. Debut nya actually. Kasama ko sina Kimmy, Aubrey, Jheiy, Mico, Dhan at Hart.
Masasabi kong hindi talaga
Bago kami makarating mismo dun sa venue, ang saya na namin. Siksikan kami. Para kaming mga sardinas, lima kami sa likod, kami nina Jheiy, Kimmy, Dhan at Hart. Si Jheiy nakaforward masyado yung uo nya, then nakasandal ako sun sa sace sa likod nya. Kaag kasi hindi ako sumandal, sobrang dikit dikit kami. Haha. Then si Kimmy nakakalong kay Dhan. Buti na lang naulan, hindi mainit kung hindi, baka ang init ng ulo namin. Haha. Tapos on our way, naligaw pa kami. Not exactly naligaw pala, mali pala yung nalikuan namin. Ang gulo kasi nung mapa na dinrawing ni Amanda, tapos si Kimmy pa, na-ala GPS pa namin, hindi rin naman pala nya kabisado dun. Nagtanong tanong tuloy kami dun. Nakakahiya lang buksan yung bintana kasi makikita yung pagka-siksikan namin. Hahaha.
At ayun nga, nagpunta kami. At first, naghesitate kami na magpunta kasi nga hindi naman namin talaga sya kaclose, nakakahiya naman.Buti na nga lang pala at nagpunta kami. Ang kaunti kasi ng attendees. Siguro dahil na din hindi nila alam yung venue at idagdag pa ang pesteng walang tigil na ulan. Kung iisipin, nakakalungkot yun for her, tapos nasa abroad pa mama nya. Ayaw kong sabihing "nakaka-awa", masaya naman kasi yung party kahit kami kami lang. May program pa nga eh. Unexpected yun kasi sabi nya kainan lang daw. Haha. Nakakaiyak lang sa part nya kasi wala nga mama nya, tapos may surprise video pa then skype and call pa from her mom. Relate lang? May pinaghuhugutan? Haha.
Hanggang paguwi, ang saya saya pa rin. We're singing out loud habang nasa car ni Mico. Nahihiya kasi kami kumanta dun sa video-oke. Ang ingay namin obviously, tapos siksikan pa sa car. 5 kami sa likod, the si Aubrey at Mico sa unahan. Ang saya diba, masyado kaming tight sa isa't isa. Hanggang sa ayun, uwian na.
Final comment: Worth yung pagpunta kahit gabi na nakauwi at papagalitan. Hindi naman sa "minsan" lang mangyari, pero minsan lang kami nang marami kami. :] Soooow, yun lungs. x]
No comments:
Post a Comment