Wednesday, August 29, 2012

Physics

Physics! *bow*

Ang Physics na, so far, ang pinakaiinisan kong/naming subject today. Or should I say yung prof pala yung nakakainis?

Hindi naman ako mahina talaga sa Physics. Actually, favorite ko sya nung 4th Year High School ako. Ewan ko lang kung bakit ngayon hate na hate ko ang Physics.



Nagisip-isip ako. Hindi nga dahil sa Physics itslef kaya ako naiinis. Dahil nga sa Prof namin ng Physics. The way na ituro. Pagkabigay nya ng formulas, next topic agad. Ineexplain lang nya kung san naderived yung formula. Hindi man lang nya tinuturo kung paano ievaluate yung formula na yun sa isang situation o kahit sa simple problem :/ The way na parang wala syang pakialam sa students nya. Yung bang tipong may nagdadaldalan sa harap nya, wala man lang syang pakialam na patigilin. Tuloy tuloy lang sya. Parang ang mind set lang nya "Maturo ko lang to, Bahala na kayo". Parang ganon. Tapos ang hirap hirap pa ng exams. :(

Pero napapansin ko these following weeks nagiiba na sya. Nagiiba na yung way nya ng pagtuturo. Nageexplain na sya. Nagbibigay na sya ng examples. Pero IT'S TOO LATE. Bumagsak na ako ng Prelim at Midterm. :( Uulitin ko ba ang PHYS121? Hanggang sa makakaya, ayaw ko talaga eh. Pero mukhang hopeless na pumasa. :(

So, YUN LANG. xx