Sunday, September 30, 2012

Bye Dad


So the day before my dad's departure, fiesta sa barangay namin. Pagkauwi ko, nagiinom sina Daddy with his brothers and friends, kala ko simpleng inuman lang kasi nga fiesta. Parang despedida pala yata. So ako, nakiinom din naman ako, pero sa kasama ko naman mga tropa ko. 4am na ako nakauwi nun. Tapos ng mga 9am na, ginising ako ni mama asking kung sasama daw ba ako sa paghatid kay Daddy. I was shocked. Hindi ko man lang alam na ngayon mismong araw na yun sya aalis. Masakit pa ulo nun pero agad nawala ang antok kasi nga nabigla ako.

Pagbangon ko, I saw dad packing his things. Tumitingin lang ako, walang kibo. Umupo ako saglit sa sofa kasi nga masakit pa ulo ko, may hangover pa siguro. Then pasinghal akong nilapitan ni mama, sabi nya "Aba! Sasama ka ba? Paalis na. Magbibihis nalang kami ng daddy mo! Kung ayaw eh hindi naman inipilit. Aalis na ng 10." Ayun kaya dali dali ako naligo. Nagprepare na din yung dalawa kong pamangkin.



Halos lahat sa amin ay sumama, si Mama, si Kuya Unay, si Jessica, si ate Dana, si Dylann, si Wade at ako, maliban lang kay kuya RJ. Ever since naman hindi sya sumama maghatid. Hindi ko lang talaga alam kung bakit. Pero narinig q dati kay mama, kahit nung unang alis daw ni Daddy papuntang Saudi, hindi na talaga sumama si kuya. Baka daw nalulungkot, at ayaw magpakita na nalulungkot. Baka naiiyak yata. So ayun nga, umalis na kami. Tito ko ang nagdrive, naka-van kami. Nagsimba muna si Daddy bago umalis ng Indang. Ang tahimik sa loob ng van. Umiingay lang dahil makulit ang mga bata at sinasaway. Nakakairita kasi.

Mga 12 something na kami nakarating ng NAIA. Pagbaba namin, bungad samin yung tito ko na nagttrabaho sa NAIA. Parang pulis ang get-up. Hindi ko lang alam kung anong trabaho nya dun. Sobrang saglit lang namin dun, literal na hatid lang talaga ang nangyari. Hindi naman kami naging emosyonal, pero may something sakin na nalulungkot siguro. Hindi na ako magpapakaimpokrito, hindi talaga ako close sa Daddy ko. Kaya nga naninibago ako kasi nalulungkot ako ngayon, compare before wala lang sakin kasi sanay naman na ako. Nung dumating nga ako, mas naexcite pa ako sa camera ko kesa sakanya eh. But as the time goes by, naaattach na din ako. May isang gabi nga eh, lasing si kuya, napaaway sya, tapos kinausap ni Daddy. Parang naglabas na din ng loob. Sabi nya: "Kung hindi ka umalis ng bahay, hindi mapapaaway. Nagbakasyon nga ako dito sa Pilipinas para makasama kayo, lagi naman kayong wala sa bahay. Eh di sana hindi nalang ako nagbakasyon!". Kahit hindi ako yung kausap nya, natamaan naman ako. Sabi ko sa sarili ko: "Oo nga." Nalungkot naman ako for Daddy. May ganun pala syang feeling. Siguro ang insensitive lang namin talaga. Pero hindi din kasi kami masisisi, especially ako, kasi lumaki naman ako ng wala akong kasamang tatay, parang sanay na nga. Pero I felt bad talaga after hearing from my dad.

So back to the daparture, nung paalis na si Daddy, niyakap na nya si Kuya unay, tapos nagbilin ng kung ano ano. Tapos yung mga apo naman. Tapos bumisa at nagpaalam namna sina ate Dana at Jessica. Tapos si mama naman. Nagyakap sila, mahigpit. Hindi naman sa naiiyak ako, nalulungkot ako para sakanila, Ewan ko ba, hindi naalis sa isip ko yung moment na nagyakap sila. Gusto ko sana picture-an kaso nadala na ako sa pagpapaalam ni Daddy. May something talaga eh. Tapos ako huli, niyakap ako ni Daddy. Tapos inabot q kamay hya at bumisa ako. At ayun, naglakad na si daddy papasok.

Paguwi, kumain lang kami sa Tanza, sa Jollibee. Then yung byahe pauwi, parang emo lahat eh. Tapos maya maya, isa isa na silang natulog. Pagdating ng bahay, nakakapanibago. Wala lang. Yun lang feeling ko. Hindi alam nararamdaman ko. Nalulungkot nga siguro. Kahit sa maikling panahon na yun, hinahanap ko si Daddy ngayon kahit pa hindi talaga masyado naguusap. Hinahanap ko presensya nya. Pero I know it's for the good naman eh, kaya okay na. And I know he'll be safe there.

So YUN LANG ang madrama kong post. Hihi. xx