Friday, November 2, 2012
November 1st
November 1. Another lazy day. Not so special for me. Lalo na't ang sama ng pakiramdam ko. Paggising na pagising ko inatake na agad ako ng malaimpakto kong sipon.
12pm na ako nagising. Napuyat yata ako sa pagpipicture ng buwan noong gabi. Ang ganda kasi eh, nakisali pa ang magandang arrangement ng ulap. Paggising ko, pawis na pawis ako kasi nga tanghali na, at sipunin na sipunin. Dahil sa leche kong sipon kaya buong araw ay tamad na tamad ako. Pagbangon ko, nanuod muna agad ako ng TV kaya 1pm na ako nakapagbrunch.
Tine-text na ako ng pinsan ko, sabay daw kaming pumunta ng panchong (sementeryo kung hindi nyo alam). Eh kasi nga mabigat ang katawan ko't sipunin pa, natulog muna ulit ako pagkatapos kong kumain at maligo. Nagising na ako ng alas tres, at ayun dali daling pumunta sa bahay ng pinsan ko, sa tapat ng bahay namin. Pero humingi muna ako ng pera kay mama kasi ang habol ko talaga eh yung mga kainan dun.
Pumunta na kami. Sosyalin pa kamo kami, naka-jeep pa kami. Walking distance lang naman kasi ang panchong sa amin. Naka-bag pa ako kasi dala ko camera ko. Plano ko din magblog tungkol dito eh. Hindi na din updated tong blogger at flickr ko kaya ayun. Pagkarating namin, doon agad kami bumisita sa puntod ni Lola Denang. Nagsindi ng kandila at pumunta naman ako sa puntod ng Lolo, Lola at Kuya ko. Nasa iisang puntod lang silang tatlo. Patong patong yata. Kasi sa lapida pangalang tatlo nila yung nakalagay. Dahil mainit sa pwesto ng puntod nila, doon na ako pumunta sa puntod ng kamamatay ko lang na pinsan na si Kuya Paul. Jackpot yung pwesto, may lilom kaso nga lang sobrang matao kasi nga lilom at maarte ang mga tao, ayaw mangitim. Naubos pera ko sa mga bilihin. Medyo frsutrated pa nga ako kasi may hinahanap ako na gusto kong bilhin pero hindi ko alam kung ano yun. Marami akong nakitang kakilala, dating mga crush, mga crush at dating mga kaibigan. Meron ding mga kaaway na masarap tirikan ng kandila.
Paguwi namin, trip ng mga pinsan kong maginom. Edi hala sige, daan sila sa bahay. Hindi kasi sila makabili ng wala ako kasi baka makita sila't mapagalitan pa. Kaya ayun, nagtapong ako sa kanila ng bente pesos at sila na bahala sa lahat. Tanduay Ice lang naman kaya nilang inumin. Actually hindi pa nga nila maubos minsan eh. Habang kaming naghahanap ng mabibilhan, kitang kita na ang mga bata na nangangaluluwa. Napangiti naman ako kasi naaalala ko yung panahon na kami pa yung mga nangangaluluwa. Dami kong naiipon sa ganu eh. :D
Edi ayun naginuman na. Dumating din yung iba pa naming pinsan at nakisali sila sa inuman namin. Bumili naman sila ng kanila. Haha. Dahil undas, may dala silang suman. Hindi sya masarap isabay sa Tanduay Ice. Mapait kasi may asukal. Nilabas ko din yung pansit na luto ni Mama. Nagulat ako naubos nila eh ang dami dami nun. Hindi pa naman alam ni Mama. Haha. Bahala na. Ayun hanggang sa naguwian na at tinype ko to. Ang habang tinatype ko ito, kanina pa ako nakakaamoy ng amoy aso eh wala namang aso dito. Ang weird weird lang.
SO yun lamang po ang nangyari samin ngayon undas. Bye. xx
Labels:
happenings