Iritadong-iritado ako sa ganitong topic.
Porke ba nag-iingles, matalino na? Mayaman na? Angat sa buhay? May lahing kano? Sosyal?
Call center agent? Nag-masteral ng secondary language?
Hindi ba pwedeng expression lang?
Napapansin ko kasi, na sa bawat sulyap ng tao sa facebook, may mga taong minsan eh sobra ang insecurity pagdating sa “English grammar”. Naglipana ang mga taga-puna at mga taga-hanga. ‘Yun bang minsan ka lang magbitaw ng quotation na Ingles na talaga namang pagkalalim-lalim ng kahulugan, o tipong copy + paste lang sa isang napagtripang website na sayings, napaka-big deal na para kang gumawa ng imoral.
“Huwaw! English ‘yun ah?”
“Ang lalim p’re! nalunod ako!”
“Nosebleed ‘tol!”
“Sosyal ng lola mo!”
Teka teka teka: ano ba ang dalang sumpa ng Ingles sa mga tulad nating may sariling lenggwahe?