Saturday, June 1, 2013

For A Relationship to Work

TRUST. Unang una yan. Kasi kung wala kayong trust sa isa’t isa pag-iisipan at pagdududahan nyo lang yung bawat isa. Lagi lang kayo mag-aaway. Maniwala ka na hindi ka nya sasaktan at lolokohin. Ibigay mo sa kanya yun, pero syempre dapat ibigay din niya sayo.

HONESTY. Pangalawa, dapat lagi kayong honest sa isa’t isa. Hindi kayo magtatago ng mga bagay na alam nyo makakasira sa relasyon nyo. Kung gusto nyo magtagal yung relasyon nyo, walang magsisinungaling. Totoo lang dapat kayo sa isa’t isa.

COMMUNICATION. Dapat lagi kayo mag-uusap. Uupdate nyo yung isa’t isa kung ano na ang bago sa buhay nyo. Lagi kayo maguusap. Dapat alam parin nila lahat ng bagay tungkol sa inyo. Hindi dapat mawala yun. Kasi kapag naputol ang communication, putol na din ang relationship.


TIME and EFFORT. Dahil magkalayo kayo, ibigay nyo na sa isa’t isa yung oras at effort. Hindi na nga kayo magkasama tapos wala pa kayong oras sa isa’t isa. Dapat alam nyo kung ano ang priorities nyo. Yan ang pinakamahalaga na maibibigay nyo sa isa’t isa.

PATIENCE. Pang-lima, pasensya. Tanggapin nyo na magkalayo kayo, maraming challenges, marami kayong makikilalang bagong tao. Dapat chill lang. Wag masyadong seloso at selosa. Kung may problema, pagusapan agad, wag na palakihin pa. Pagpasensyahan nyo ang isa’t isa dahil sa huli kayo lang din ang magkakampi.

LOVE. Ang pinaka-mahalaga sa lahat.. Pagmamahal. Hindi dapat mawala yung pagmamahal nyo sa isa’t isa dahil magkalayo kayo. Dapat lalo nyo pa pagtibayin. Gamitin nyo yun para lalo kayong mapamahal sa isa’t isa. Walang malayo sa dalawang taong nagmamahalan.

No comments:

Post a Comment