Thursday, May 24, 2012
Cry Baby
Noong bata ako, pangarap kong mag-artista. HAHA. I think halos lahat naman ng bata ganun yung pangarap. Pinanghawakan ko yung pangarap na yun until mag third year college ako. Na-realize ko din kasi na hindi bagay sakin. Aside na napapangitan ako sa sarili ko, hindi NA ako marunong umiyak. Oo, mahirap na ngayon sa akin ang umiyak. Pero dati, nung elementary ako hanggang maghigh school, sobrang iyakin ko talaga. Hindi ko na alam kung anong nangyari kung bakit hindi na. Masasabi ko na hindi na nga ako marunong umiyak nung graduation namin ng high school. Nagulat din sila, bakit hindi daw ako naiyak eh iyakin daw ako. HAHAHA. I wonder din kung bakit. Siguro natigang na ako sa past relationships ko. CHOT! Nung namatay din yung high school classmate kong si Sarah *I miss you Sarah :'(*, I saw her lying on her coffin na, pero hindi talaga ako maiyak. Nalulungkot naman talaga ako kasi close kami kahit madalas kong inaaway yun. Dun na ako nainis sa sarili ko. Tigang ba ako? Pinipilit ko talagang umiyak nun, ayaw talaga. Inisip ko na lang, hindi bagay sakin umiyak. :]
From third year high until ngayon, last October lang ako umiyak talaga. Yung tipong habag na habag talaga. Yun yung kinukwento ko sa mga kaklase ko yung matagal ko nang sekreto. Ewan ko, tears of joy pa yata un. HAHAHA. Dun ko talaga naramdam yung ang daming emosyon inside me kaya hindi ko napigilang umiyak. May regrets, galit, takot at saya nung narealize kong masarap ishare ang problema. :D After nun, hindi na naulit, kahit na isipin ko pa. Kahit sa mga break-ups ko, hindi ako nag-alay kahit isang luha. lol. Alam ko din kasi kung sino dapat ang sineseryoso o hindi. Eh wala akong nakilala pang worth crying for so, ganun talaga.
Gagamba na lang ang makakapagpaiyak sa akin, I guess. HAHAHA. Kaya ayun. Hindi ko na talaga pinapangarap pang mag-artista pa. Conclusion: Hindi na ako iyakin! Madalas emotionally unstable pero hindi ako naiyak. K! Yun lang. xx