Meron akong pinaghahawakang sikreto ng mahabang panahaon na. I think elementary pa yata ako nun, at hanggang ngayon sekreto pa rin yun, sa nakakarami. Gusto ko man ibunyag yun dito, hindi maari. Masyadong pribado at nakakahiya na rin para sa akin. Nung highschool ako, pilit kong tinago yun sa mga kaklase ko, wala din naman kasing senyales akong ipinapakita. Ang hirap sa loob na dun sa malalapit mong kaibigan, hindi mo maikwento kahit gustong gusto mo. Yung tipong gusto mong iiyak yung problema mo sa kanila. Hindi ko rin masasabing plastik ako sa kanila kasi bukod sa sekreto kong iyon, naging totoo naman ako sakanila at alam ko ganun din sila sa akin. Ang iniisip ko na lang, lahat naman ng tao may tinatagong sekreto, hindi pwedeng hindi.
Successfully, natago ko naman yun. Hanggang sa mag-college ako. Hindi naman sa mas comportable ako sa kanila, eh kasi naisip ko na college na, mas mature na isip ng mga kaklase kong iyon kaysa sa highscool pa. Tsaka, gusto ko rin ng may mapaglalabasan ng sama ng loob, yung pwede kong ikwento, yung pwedeng mapag-usapan ng walang ilangan. At ayun, nasabi ko nga sa kanila, kampante naman ako na hindi iyon lalabas kahit magkalabuan na kami. May tiwala ako sa kanila. Ganun ko kamahal mga kaibigan ko. Hahaha.
Nung ikinukwento ko sakanila yon, hindi ko naiwasang maiyak kasi nagdadalawang isip pa ako nun kung sasabihin ko pa kasi alam ko magbabago na tingin nila sa akin, at yon ang pinaka ayaw ko sa lahat. At first, nagpaligoy-ligoy ako syempre muna, tapos nagsabi na lang ako ng date para ikwento. Kahit nung hints pa lang binigay ko, na-gets na agad nila. Ganun sila ka-hanep. :D Naiyak na agad ako nung hint pa lang, paano pag kinuwento ko na? Haha. Pero nung ikunwento ko naman sa kanila yon, hindi ako umiyak. Pinilit kong hindi. Para kasing ang korni. Dinaan ko nalang sa biro, pero sa loob ko. Medyo naiinis ako sa sarili ko. Bakit ko pa kasi ginawa yon.
Until now, ganun pa din samahan namin. Wala naman nagbago so far, pero pag napupunta dun ang usapan, hindi maiwasang mailang at ngumingiti nalang ako sa harap nila. Nakakahiya kasi kontrahin kaya ganun. Kahit pala ang parents ang kuya ko, hindi alam yun. :D
Ang masasabi ko lang, masarap sa pakiramdam na hindi lang sa sarili mo tinatago yung sikreto, mas masarap magtago ng sikreto kasama ang mga kaibigan mong hindi ka iiwan. HAHAHA. drama pa eh. Gumaan ang pakiramdam ko at nawala yung ilang ko na baka malaman nila or something. Basta hindi ko maexplain. :D
Next time, baka on of these years makwento ko na. lol. Bye. xx