- Pagandahan ng Layout. Kailangan may gumagalaw o kumikislap na gif’s.
- Pahabaan at pabonggahan ng About Me.
- Excited kang may makitang cute sa Who’s Viewed Me mo. Kapag type mo, wala ng alinlangan sa pag-add sa kanya.
- “Pengeng testi!”
- Halos araw-araw kang nagpapalit ng profile picture.
- Puro ka-close or crushes mo ‘yung nasa Featured Friends mo.
- Walang epekto pa sa buhay mo ang makisalamuha sa mga jejemons.
- Gumawa ka ng slideshows ng pictures mo at nag-embed ng songs.
- Nauubos ang oras mo dahil sa pagstalk ng mga cute at pag-edit ng layout mo.
- Nakisagot ka sa mga surveys at ipopost mo sa Bulletin Board.
- Malungkot ka kapag gusto mong mag-add ng mga cute, kaso 3000 na ‘yung friends mo kung saan eto ‘yung maximum number of friends na pwede mong iadd.
- Kahit cursor ng page mo, ginagawa mong malandi.
- Uploaded ang mga Jeje pics mo.
- Plastikan o bolahan moment sa paggawa ng testi. Kapag nagbigay ka sa friends mo, kailangang may kapalit na testi rin.
- Quotes and cliches ang nilalagay mo sa shout out mo.
- Higit sa lahat, jejemon tayong lahat sa friendster.
Natatandaan mo pa ba ang Friendster Moments mo?
A ramdom post from Tumblr. Natuwa lang ako kaya I also posted it here. :]
Via beben-eleben. See original post.
No comments:
Post a Comment