Saturday, June 2, 2012

Hello June

Heto na. June na. Tapos na ang May [you don't say?]. Malapit na ang pasukan. Masaya at nalulungkot ako at the same time, pero hindi ako na-e-excite. Ewan ko ba. Masaya ako kasi hindi na ako mabubulok sa bahay, may baon na ulit at makakasama ko na naman ang mga adik kong kaklase. Namiss ko mga kaklase ko kaya masaya ako na makakasama ko na naman sila ulit. Malungkot kasi ... ewan ko kung bakit. Basta hindi ko feel na I'm not completely happy. Parang may second thought, parang ganun. Hahaha. Siguro naiisip ko lang na magiging busy na ako [?] or mag-cramming na naman kami at I'm sure nakakabaliw yun. Last semester kasi,
ganun kami. SOBRA. Sobra sobra na hindi namin nagawa yung isang Final Output sa isang subject na naging reason para ma-bother ako bago matapos ang sem, baka kasi bumagsak ako sa DBMS. At speaking of final ouputs, naalala ko na naman yung away namin ni Jheiy, classmate slash tropa na nakaaway ko bago matapos ang sem. Ang haba pa kung sasabihin ko kung paano kami nagaway. Hanggang ngayon, hindi pa kami nagbabati. Kasi, parang pataas pa ng pride. Walang may balak na mag-sorry. Aminado naman ako na may mali din ako pero hindi ako mag-so-sorry. Pataasan lang din naman ng pride, eh di GAME. HAHAHA.

Anyways, I started the month of June na puro inis at irritated ang feeling dahil sa pamangkin ko. Ang kulit kulit kasi. Nagpunta din kami sa dentist para ayusin yung sira ng front teeth ko. MASAKIT SYA, pero at least ayos na. Naiyak nga ako eh. lol. Ngayon ko din nakuha yung bagong kong glasses. Pang-nerd sya. Nakakainis. Lalo na kung sasamahan ko ng suot ng suspenders, ay nako, grabe lang. Hahaha. Gusto nyo makita? Eto oh:

My nerd glasses


HAHAHA. May ma-i-post lang na picture.

Gayunpaman, may mga plano na din ako this June, next week actually. Sa akin, rain or shine, tuloy ako. Payagan man ni mama o hindi pero I'm wishing na payagan. Hehe. Kung ano man yung plano ko, akin na lang yun. Or baka i-blog ko din. :P

At ayoko na mag-type pa so, YUN LANG. xx