SM Bacoor meeting place. Himala maaga ako. Sya yung late. Okay lang sa akin
gift nya sakin. Gift daw sa birthday ko. Kainis. Nung birthday nga nya last week, wala akong gift, tapos sya nag-gift sya sa birthday ko eh almost one month na since nung birthday ko. Wala lang, nakakahiya lang. Naglunch kami sa Kenny Roger's, at I've discover a dessert na I'll avoid to eat from now on. Hindi naman sa hindi masarap, sensitive lang talaga ako. Nakakaumay sya. Hanggang ngayon naiimagine ko pa din yung lasa nya at nakakahilo. Uck.
After maglunch, off we go. Nag-bus kami papuntang Dasma. Natuwa ako. Mukha kaming tanga. Halatang naeexcite. May mga pasimpleng move. Hahaha.
Medyo nanghinayang lang ako kasi I was planning to introduce my baby to my college friends. But unfortunately, strict ang parents ng mga tropa ko. Hindi sila pwede ng gabi. Mag KTV sana kami, since mahilig din naman kami kumanta. :D
Hindi ko din makakalimutan tong araw na to kasi ngayong araw na to ako napaiyak nya. Maliit lang yung reason, bale nagkaroon lang ng misunderstanding. Hindi ko na ikukwento yung dahilan but the thing is, okay na lahat. Hindi lang talaga nagkaintindihan. Talaga namang nagpapagdaanan ang ganoong pangyayari. lol
Then the following day, uwian na, hindi pala ako nagpaalam ng ayos. Hehehe. Medyo natatakot ako, medyo lang naman, pero hindi ko pinapahalata kasi gusto wala syang alalahaning iba kasi I know, maba-bother lang sya. Nung nakauwi na kami, it ended up well naman. Hindi naman ako napagalitan. Pero sa byahe ko, sumakit ang tyan ko. Grabe kasi, daming nakain. HAHAHA. Pero nagsaya ako, sobra. Maghihintay na naman ako ng ilang weeks just to see him again. Tsk. Pero okay lang, it's worth waiting for naman. Hihihi. So, YUN LANG for now. xx