Wednesday, August 29, 2012

Physics

Physics! *bow*

Ang Physics na, so far, ang pinakaiinisan kong/naming subject today. Or should I say yung prof pala yung nakakainis?

Hindi naman ako mahina talaga sa Physics. Actually, favorite ko sya nung 4th Year High School ako. Ewan ko lang kung bakit ngayon hate na hate ko ang Physics.

Sunday, August 19, 2012

JFBC Youth Fair

So I was invited by my highschool friend sa isang event ng Church nila which is the JFBC or Jesus Faith Builder Church. Dahil syempre hindi naman ko pala-sama sa mga ganoong bagay, nagdalawang isip ako kung pupunta ba ako o hindi. When I received her invite via SMS, nagulat ako. Parang may sama ng loob ang laman. Sbi nya: "Punta kayo sa Sunday sa Church namin, may event. Magtatampo talaga ako pag hindi kayo pumunta. Pag magiinom at hindi ako nakakapunta, grabe kayo makapagtampo tapos pag ako magyaya, kahit time for Jesus naman to, di nyo ko mapagbigyan. Blah blah blah...". Napaisip naman ako. "Oo nga". Ilang beses na din nya pala ako niyaya before. Gusto ko naman, hindi lang talaga fit sa schedule ko noon. So ayun, nagreply ako. "Oo pupunta ako.". "Message Sent". Ayun nagreply na sya, okay daw. Lagot! La nang atrasan to.

Monday, August 6, 2012

Saturdays


Almost every week, tuwing Sabado, ang saya saya namin. Ang daming hangouts, gala, KAINAN, malling at road-trips. Ngayong sabado, nagpunta naman kami sa birthday celebration ng isa namin classmate na si Amanda. Debut nya actually. Kasama ko sina Kimmy, Aubrey, Jheiy, Mico, Dhan at Hart.

Masasabi kong hindi talaga ko namin sya ka-close kahit sa tatlong taon naming pagsasama bilang magkakaklase. Hindi namin alam kung bakit. Sakin, siguro may malaking factor yung pagaaway namin nung first year kami kaya hindi na talaga nagawan ng solusyon ng closeness namin. Lagi kasi kaming nag-aaway nung first year. I find her mayabang, so lagi ko syang binabara.