Wednesday, December 19, 2012

Me About Friends


" Mababaw akong tao. Seloso akong kaibigan. Nagseselos ako kapag hindi ako pinapansin kahit ilang beses na akong nagpapapansin. Nagseselos ako kapag may mga bago kang dumarating na kaibigan dahil pakiramdam ko kinakalimutan mo na ko. Nagtatampo ako kapag hindi ka sakin nagsasabi ng problema dahil pakiramdam ko napakawalang kwenta ko. Gusto ko ako lang. O kahit hindi ako lang, okay na yung alam kong  hindi ka pa din nagbabago gaya ng unang pagkakakakilala ko sa’yo. Dahil kapag tinuring kitang kaibigan, itatrato talaga kitang parang syota ko at wala kang pakialam. "

-- israelmekaniko



I forgot na yung link ng original post eh. :D

Sapul. Yea. Lahat ng kaibigan ko, tinuturing kong bestfriend ko. Kahit gaano katagal pa lang tayo magkaibigan. Hindi ako pala-"bestfriend" na tao. Wala din akong masasabing bestfriend simula ng pagkabata. Wala akong katawagan na "bestfriend" talaga. Ay meron pala, pero naging magbestfriend lang kami kasi hanggang dun na lang yun. Ayoko kasi mawala yung pagkakaibigan namin so hanggang doon na lang. Playsafe kung baga. Basta seloso akong kaibigan. Ang nonsense pero yun ang totoo. :D

Yun lang. lol xx