Sunday, December 16, 2012

Mock Examination

So isa ako sa mga mapalad na nabigyan ng pagkakataon na mag-mock exam for certification sa DB2. At first natuwa ako, kasi nung unang beses pa lang na sinabi ang tungkol dun sa amin, yun na talaga ine-aim ko na sana makapasa at makakuha ng certificate kasi nga naman ang lakas ng hatak din nun, asset kumbaga. And then nalaman ko nga na kasali ako, on the other hand, nakakalungkot kasi kami lang ni Hart ang mapalad na  nabigyan ng pagkakataon. Eh ang gusto ko sana, kung hindi kaming lahat, kaming tatlo nina Aubrey at Mico. Kasi nung sinabi yung tungkol sa certification exam, kami yung talagang tuwang tuwa at parang "Goal Oriented" kaso hindi eh. How I wish kasali talag sila so may karamay din ako. :))

Mabalik ako sa Mock exam. So Wednesday ng sinabi ng prof namin na this Friday na daw yung mock exam. I mean, really? 2 days to prepare? Cover to cover yun eh. So shocking talaga for me kasi ilang buwan na din ng huli kong maalala ang mga lessons. So todo review ako. Nung mismong exam na, wala ako sa kondisyon, I know. Yung mga tanong na alam ko before naco-confuse ako. Sa hopeless. Hindi na ako umasa. At promise nalungkot talaga ako. Parang yun na lang kasi yung bagay na kapag pumasa ako, meron na ako finally na maipagmamalaki para kay mama, at para na rin sa sarili ko, kasi talaga as of now, wala akong masasabi na achievement ko. Nakakalungkot man isipin pero ganun talaga. Gusto ko magkaroon ng isang bagay na masasabi kong pinaghirapan ko. Eh ngayon wala na :(

Sunday, kanina, naghighintay ako sa schoolbook ng mga list ng nakapasa. Actually Saturday daw ipo-post eh wala, so hinintay ko talaga kanina. Kahit hopeless na, there's something in me that keeps me hold on na papasa ako. So ayun, tiningnan ko nga, wala naman pinost. Sinabi lang na magte-take daw ulit kami ng Mock Exam. I dunno why pero I feel good about it. Parang second chance. Kung second chance man sya, bakit kaya? So as of now, todo aral na ako. Lesson learned kumbaga. Kaya bukas, mage-exam na ulit ako na sana ay magkaroon ako ng confidence at sana, SANA talaga pumasa ako.

Yun lang. Wish me luck. :) xx