Wednesday, June 20, 2012

Friendster Moment 101


  • Pagandahan ng Layout. Kailangan may gumagalaw o kumikislap na gif’s.
  • Pahabaan at pabonggahan ng About Me.
  • Excited kang may makitang cute sa Who’s Viewed Me mo. Kapag type mo, wala ng alinlangan sa pag-add sa kanya.
  • “Pengeng testi!”
  • Halos araw-araw kang nagpapalit ng profile picture.
  • Puro ka-close or crushes mo ‘yung nasa Featured Friends mo.
  • Walang epekto pa sa buhay mo ang makisalamuha sa mga jejemons.
  • Gumawa ka ng slideshows ng pictures mo at nag-embed ng songs.
  • Nauubos ang oras mo dahil sa pagstalk ng mga cute at pag-edit ng layout mo.
  • Nakisagot ka sa mga surveys at ipopost mo sa Bulletin Board.
  • Malungkot ka kapag gusto mong mag-add ng mga cute, kaso 3000 na ‘yung friends mo kung saan eto ‘yung maximum number of friends na pwede mong iadd.
  • Kahit cursor ng page mo, ginagawa mong malandi.
  • Uploaded ang mga Jeje pics mo.
  • Plastikan o bolahan moment sa paggawa ng testi. Kapag nagbigay ka sa friends mo, kailangang may kapalit na testi rin.
  • Quotes and cliches ang nilalagay mo sa shout out mo.
  • Higit sa lahat, jejemon tayong lahat sa friendster.

Natatandaan mo pa ba ang Friendster Moments mo?

A ramdom post from Tumblr. Natuwa lang ako kaya I also posted it here. :]

Via beben-eleben. See original post.

Sunday, June 17, 2012

HumanLaSallianStar

Kahit hindi nakilahok dito, masasabi kong proud ako sa "achievement" na ito. Hehehe. Nung una talaga ayaw ko um-attend talaga kasi parang uulan, kung hindi man sobrang init, siksikan pa, may bayad pa at madaming pang dahilan na naisip ko. But nung nagsstart na sila, nagsisimula na akong mainggit. Pero nung nalamn kong masyado nang marami, okay na din sakin, yung iba kasi hindi na sa star kasama, naging frame nalang sila ng star kasi nga sobrang dami nila. Hahaha. Kung hindi mo alam ang Human LaSallian Star, eto picture oh:

Friday, June 15, 2012

Third Year

First Day. So since isa lang naman subject namin, we decided tumambay sa favorite place namin, ang Bahay ni Mico. Kasama ko sina Kimmy, Aubrey, Alkaid, Dhan at Hart, though sa mga pictures, mostly kaming apat lang nina Aubrey, Kimmy at Alkaid. Hehehe. :D At dahil hindi pwede i-upload sa Facebook, dito na lang. :]

Kimmy - Aubrey - Khid

Tuesday, June 12, 2012

Kissing Game

Today, nagyaya ang tropa kong si Eric maginom, ako taya. :/ Sinusumbat nya sakin yung hindi ko pagpunta nung birthday ni Mickey. Since guilty naman ako, hindi na ako nakatanggi. Bale pinaka-celebration na din namin before ang pasukan. Trip lang nila mag-inom. Heart broken din kasi si Eric kaya ang lakas ng loob magyaya maginom. Kaka-break lang nila ni Chacha. Eh di ayun, inom kami. Ako, sa sobrang daldal ko, hindi ko napansin kung anong niinom namin. Hindi naman siguro hard kasi walang chaser at hindi rin sya mabaho kaya hindi na ako naginarte. Then nung lumalalim na yung usapan, bigla kaming napunta sa "mature" na usapan. What if gayahin daw namin yung sa PBB Unlimited na laro. Yung kissing game daw, pero walang malisya para malaman lang daw kung sino yung walang arte. Nung una, ayaw pa syempre pero natuloy din. Since apat lang naman kami, two boys and two girls, parang okay na lang din.

Ganito yung mechanics:

Monday, June 11, 2012

Tagaytay Walkathon

Like I said on my earlier blog, I'll post an entry about our Tagaytay Trip last May 25. But since tinatamad ako magtype ng magtype this past few days/weeks, eto na lang, read my friend's entry na lang. Since kasama ko naman sya that day, yan na lang. Hehehe. Sorry. I'll try to post more photos regarding that day na lang. So, YUN LANG. xx

Wednesday, June 6, 2012

The Sweet Escape

To make this story short, naglumandi lang ako. HAHAHA. kidding

Nagkita ulit kami ng mahal ko. :D Natuwa na nahiya naman ako kasi halos lahat sa kanya nagbago since nung last pagkikita namin. Parang prepared sya for this samantala ako, hindi. Mukha akong tanga. Hahaha. Muntik pa nga magkaroon ng problema kasi yung date ng pagkikita namin is birthday ng tropa ko. Buti na lang medyo malakas ako sa kanya at okay na din. Babawi na lang ako sa kanya, pero I know nakakasama ng loob yun. :/

SM Bacoor meeting place. Himala maaga ako. Sya yung late. Okay lang sa akin, at least ako maaga. lol. Dahil hindi ako magaling sa hintayan, nag-Tom's World muna ako saglit at kumain din. Wrong move. Hindi pa rin pala sya nagbreakfast. Hindi ko alam. Ewan ko, dahil yata dun kaya the whole day sumakit ang tyan ko. :D Pagdating na pagdating nya, I'm surprised because of three thing: Mata nya, Buhok nya, at yung

Saturday, June 2, 2012

Hello June

Heto na. June na. Tapos na ang May [you don't say?]. Malapit na ang pasukan. Masaya at nalulungkot ako at the same time, pero hindi ako na-e-excite. Ewan ko ba. Masaya ako kasi hindi na ako mabubulok sa bahay, may baon na ulit at makakasama ko na naman ang mga adik kong kaklase. Namiss ko mga kaklase ko kaya masaya ako na makakasama ko na naman sila ulit. Malungkot kasi ... ewan ko kung bakit. Basta hindi ko feel na I'm not completely happy. Parang may second thought, parang ganun. Hahaha. Siguro naiisip ko lang na magiging busy na ako [?] or mag-cramming na naman kami at I'm sure nakakabaliw yun. Last semester kasi,

Friday, June 1, 2012

6 Types of Love

I found this on Tumblr. I just had a thought of sharing it here so, here you go: