Wednesday, May 23, 2012

Group Messages


Ako, masasabi ko na ma-"cellphone" akong tao. Hindi ako umaalis ng bahay na walang dalang cellphone. Ewan ko ba, lagi akong umaasa sa cellphone ko. Sobrang useful naman sakin ng cellphone. Minsan, ok madalas pala, pag pauwi ako galing school, ako lang mag-isa nalang, then dami kong nakakasama sa paghihintay ng sasakyan, grupo lagi sila, ako lang yung loner, cellphone ang defense mechanism ko. Kunwari nagtetext para hindi naman sabihing napakalungkot ko. Haha. Laging ganun nasa isip ko. Paranoid lagi ako. Hehehe. Kaya nung nawala cellphone ko, nagiba buhay ko. lol. Hindi ko pa masabi kay mama nung una. Natatakot ako sa magiging reaksyon nya. Kasi ang mama ko, masyado syang centimental. Lahat ng bagay sa kanya mahalaga, kahit piso lang ang halaga dapat wag mo iwawala, kaya ayun, umabot ng 3 months bago sinabi sa kanya. Hindi ko pala sinabi ng kusa, nahalata lang nya. Kasi cellphone din kasi yung ginagamit kong alarm clock kaya lagi na akong late sa first subject. Cellphone din ang orasan ko, hindi kasi akong mahilig magsuot ng relo.



Nung nag-college ako, naka 4 na cellphone na akong nawala. Ang careless diba? 2 lang ang nalaman ng mama ko na nawala. :D Yung una, sa jeep nawala, nadukot sa bulsa ko, yung pangalawa at pangatlo, naiwan ko sa jeep din. Kaya medyo concious na din ako ngayon sumakay ng jeep. Hihi. Yung pang-apat sa Quantum sa SM Bacoor nawala, habang naglalaro kami ng Mario Cart, syempre nakaupo ako nun, tapos maluwag pa bulsa ko, nahulog siguro tapos may nanunuod saming lalaki nun sa likod. Bago pa man kami matapos mag-laro, umalis na sya, tapos ayun nung hinahanap ko na phone ko, wala na. Ngayon, yung ginagamit kong cellphone ay cellphone ni Aubrey. Nokia na Flip. Okay naman sya gamitin, mahirap lang talaga i-charge.

So bakit nga pala tungkol sa Cellphone yung kinukwento ko, eh, Group Messages yung title? HAHA. Gusto lang sana sabihin na ma-GM akong tao. Like I said sa earlier blogs ko, makwento akong tao, kahit nonsense yung kinukwento ko, kwento pa din ako ng kwento. Haha.

Tsaka kaya ako madalas mag-GM kasi tinatamad ako minsan magtext ng kung sino-sino. May iba kasi kahit anong gawin ko, ang boring nila katext. Ewan ko, yung iba kasi masarap sila kasama pero tamad lang din magtext so naiintindihan ko, pero yung iba. WALA TALAGA. Nganga. lol. Nag-g-GM ako para kahit di ko sila nakaka-text o nire-replay-an, still, in touch pa din ako. Pinaka-ayaw ko din kasi sa lahat yung sinasabihan akong snob o suplado. Kaya ayun.

So ayun ang point ko, madalas ako magsend ng GM sa mga nasa contacts ko. Yung kwento about sa cellphone, wala lang yun, intro lang yun. HAHAHA. Kbye. xx