Sunday, May 13, 2012

Skype

Madalas na akong irritated whenever naka-online ako sa Skype. Don't think that I'm bragging ah, but they're always requesting na mag-cam ako whenever mag-reply man ako sa IMs nila. Sa una, syempre medyo natutuwa ako kasi puro compliments like "ang cute mo", "ang bata mo tignan", "hindi ka mukhang 17", and etc.. But then, parang umo-OA naman. Almost everyday, mag-PM ng "hi", tapos hindi pa man kayo tapos mag-usap, alam mo nang walang pupuntahan ang usapan. Gibberish talk kum baga. Tapos pag dating sa dulo, "I wanna see you", eh madalas ayaw ko, kaya hindi nalang ako nagre-reply. Busy kunwari. Tapos yung iba, mukang tanga pa, "In-Love" na daw. Punyemas, kung ako nga, hindi ko pa sila ma-consider na real friend talaga kasi cyber lang, in-love pa kaya? Hindi ko rin maintindihan sa mga ganung tao. Ang dali para sakanila sabihin na in-love na sila sa isang tao. Isang gabi na chat pa lang, in love na agad? Agad-agad? PBB Teen Edition 4 lang? Hahaha. Buti na lang, kahit gullible ako, hindi ako tanga para
maniwala.

Kung titignan nga, madali lang ang solusyon dito eh, i-delete sila sa contacts, pero para sa akin, hindi ito madali. Ako kasi yung tipo ng tao na ayaw ko makasakit ng feelings ng iba via rejection or something, kasi alam ko yung feeling ng ganun, kaya ako nga naman, ni-e-entertain ko. Sabi nga ng iba, pa-asa daw ang dating ko, pero hindi ko din alam. Ang alam ko lang, as long as nire-respeto ako, go lang, sinasabi ko din naman sa tao if ever may pag-asa sila sa akin o wala. *Nuks. Haba ng hair ko. lol* Pero seryoso ako dun. Kasi isang tingin ko pa lang sa tao, alam ko na agad kung magugusto ko yun o hindi.

Pero kahit ano pa man, hindi naman ako yung OA ang pagproblema sakanila. Pakiramdam ko, nararamdaman din naman nila na ayaw ko ng kinukulit. Okay naman sakin as long as hindi nababasa ng kapatid ko yung mga IMs nila. Kasi madalas pagla-landi yung mga IMs nila sa akin. Delikado pag nabasa ni Kuya yun. HAHAHA.
Meron pang isa kaso masyado pa akong kinikilig para i-kwento pa ngayon. Maybe next time i-kwento ko na. The End. xx

PS: Birthday nga pala ng pinaka-mamahal kong si Paulo Avelino. Chossss. So, Happy Birthday. :]