Sa isang relasyon, alam kong normal lang ang mga alitan, mga awayan, tampuhan mula sa isang napakaliit at walang kwentang bagay. Tanggap ko. Ngunit ngayon, may nararamdaman akong iba. Hindi ko alam kung ano ito pero alam ko iba to. oo, iba na nga. Hindi na lang basta alitan o maliit na away. Ewan ko. Ano bang dapat kong gawin. Sa pagkakaalam ko, wala naman akong ginagawang sobrang sama para humantong sa ganito ang lahat. Oo. Hindi ako ganun kagaling at masasabi kong wala akong alam sa pakikipagrelasyon. Nung una, ramdam ko may panguunawa pa sya. Ngayon, iba na. WALA NANG GANA. Pagkain ba ako na kelangan ka pang ganahan? Ano bang kulang? Pero sa totoo lang, nakakasawa din. Hindi naman yung tao yung nakakasawa, yung mga nangyayari.
Almost a week nang walang malinaw na communication. Siguro nagsasawa na din kausap ako. Makulit eh. Ayy oo nga pala. Wala na nga palang gana sa akin. Ano dapat ko bang gawin? Oo na. Aaminin ko na. Alam ko marami din naman akong pagkukulang eh. Tanggap ko yun. Pero naman sana din sinasabi sakin no. Para saan pa at naging kami kung kaylangan ko pang makiramdam kung nanjan naman sya na maaring magsabi? May pagkamanhid ako, hindi ko ramdam lahat ng bagay na pinaparating. Parang tingin ko naman masaya na sya kahit ganito kami. Hayaan ko nalang ba? Masaya sya eh. Gusto ko lang din naman eh kung san sya masaya. Sige na. BAHALA NA ulit. Maayos pa kaya? Sana. Ayy hindi pala. I'm sure maayos to.
Pwee. Ang drama ko, hindi bagay sa image ko. lol. jk. So, YUN LANG. xx